Ang Katapatan ng Ating Panginoon

Text by Emelita Vargas-Anderson

Read:

s

Exodus 16: 31-32 MBBTAG

Manna ang itinawag ng mga Israelita sa pagkaing pinupulot nila. Ito'y parang buto ng kulantro, maputi at lasang galyetas na minasa sa pulot. Sinabi sa kanila ni Moises, “Ito ang utos ni Yahweh: ‘Kumuha kayo ng kalahating salop ng manna. Itatago ninyo ito upang makita ng inyong magiging mga anak at mga apo ang pagkaing ibinigay ko sa inyo nang ilabas ko kayo sa Egipto.’”

Reflect:

Sa pamamagitan ni Moises, iniligtas ng Diyos ang mga Israelita mula sa pagkaalipin sa Ehipto. Lubos ang kagalakan ng bawat isa nang tinamasa nila ang kalayaan. Nagalak sila sa bagong buhay na kanilang sisimulan hawak ang ipinangakong mamanahin ang isang lupaing binubukalan ng gatas at pulot. 

Habang naghihintay sa pangako ng Diyos, sinubok ang kanilang pananampalataya. Inilabas sila mula sa Ehipto patungo sa ilang at nanirahan sa araw-araw na biyaya ng Panginoon. Bawat araw ay naghihintay sila ng Mana na bumaba mula sa langit at tubig na dumadaloy mula sa bato. 

Nangako ang Diyos na magiging tapat sa kanila. Ngunit sa kabila ng lahat ng mga himalang ipinakita ng Diyos sa tao, mayroon pa ring pagsuway, kawalan ng katapatan at pag-aalinlangan sa Kanyang mga pangako. 

Subalit ang Panginoon ay naging tapat mula sa simula, sa unang henerasyon, sa kasalukuyan at sa mga darating pa. Nangako Siya na kapag tayo ay matapat sa Kanya, magtatamasa tayo ng walang katapusang Manna mula sa langit at umaapaw na tubig na dumadaloy mula sa bato.

Sinasabi sa Juan 1:33,35, “Sapagkat ang tinapay na galing sa Diyos ay ang bumabâ mula sa langit at nagbibigay-buhay sa sangkatauhan. Sinabi ni Jesus, “Ako ang tinapay ng buhay. Ang lumalapit sa akin ay hindi na magugutom kailanman, at ang sumasampalataya sa akin ay hindi na mauuhaw kailanman.’”

Respond:

Minamahal naming mga kapatid, laging tandaan na ang Kanyang katapatan sa iyo at sa iyong henerasyon ay hindi natatapos. Gaano katotoo ang patuloy na pagbibigay ng Panginoon ng Manna at Tubig sa iyong buhay? 

Si Hesus ang tinapay na nagbibigay-buhay mula sa langit. Inaanyayahan ka Niyang lumapit sa Kanya.

Emelita Vargas Anderson is known to some as Emily but her closest friends and family call her Honey. She's an IT Professional and a Children’s Book Author working in NYC. She writes to inspire, motivate, encourage, and empower happiness. What she likes most about the Word of God is that it remains true in all generations. For her, the Word will forever be her guide in everything that she does in life.

AUTHOR: Emelita Vargas Anderson

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Scroll to Top