Devotional by Adrian Crisanto
Basahin:
Psalm 95:1-7 (Magandang Balita)
1 Tayo na't lumapit kay Yahweh na Diyos, Siya ay awitan,
ang batong kublihan, atin ngang handugan, masayang awitan!
2 Tayo na't lumapit, sa Kanyang presensya na may pasalamat,
Siya ay purihin, ng mga awiting may tuwa at galak.
3 Sapagkat si Yahweh, Siya ay dakila't makapangyarihang Diyos,
ang dakilang Haring higit pa sa sinuman na dinidiyos.
4 Nasa Kanyang palad ang buong daigdig, pati kalaliman;
ang lahat ay Kanya maging ang mataas nating kabundukan.
5 Kanya rin ang dagat at pati ang lupa na Kanyang nilalang.
6 Tayo na't lumapit, sa Kanya'y sumamba at magbigay-galang,
lumuhod sa harap ni Yahweh na Siyang sa ati'y may lalang.
7 Siya ang ating Diyos, at tayo ang bayan sa Kanyang pastulan,
mga tupang Kanyang inaalagaan.
Pagnilayan:
Ano ba ang trending nitong mga nakaraang araw? For sure, may umpukan na naman sa Twitter tungkol sa ilang top trending topics. O baka naman may panibagong TikTok dance challenge na pinagkakaguluhan ng mga netizens. Every day, laging may bagong pinag-uusapan online. And whether we like it or not, these online discussions aren’t always beneficial. Madalas pa nga ay nauuwi sa name-calling, bashing, o trolling. Idagdag mo pa dyan ang lumalalang problema ng misinformation at fake news. Sa totoo lang, kahit ako, napapagod na rin sa mga nakikita at naririnig ko sa social media. Kahit andito lang naman ako sa loob ng kwarto, para bang ang ingay-ingay pa rin ng paligid.
Minsan na rin akong nadawit sa isang trending topic. Naging viral ang isang open letter na aking pinost sa Facebook. Para ito sa isang sikat na aktres na noo’y bina-bash kaliwa’t kanan. Encouragement ang intention ng aking sulat. Hindi naglao’y napansin niya ito and we were able to meet and talk online. Sa conversation na iyon - na later on ay inupload niya bilang vlog - patuloy akong nagbigay sa kanya ng encouraging words, pero ang hindi ko malilimutan ay noong sinabi kong ginagawa ko ito dahil kay Jesus - the kindest person I know. And that vlog became a trending topic! Many people were inspired and moved by our conversation that night.
Isa sa mga favorite lines ko sa kantang Ikaw Ay Dakila ay mula sa chorus, “Ang tanging namumutawi, Ikaw ay dakila”. In this day and age na kung saan halos lahat ay gustong maging viral at trending, ano ba talaga ang gusto nating mamutawi sa atin? Ako, I hope that in every chance I get, lagi kong dadakilain ang Panginoon. Na ang tanging trending topic sa aking buhay ay kung gaano Siya kabuti sa akin. Na kung hihikayatin ko man ang mga tao na mag-like, share and subscribe - yun ay sa Panginoon na ating Diyos na dakila! Imagine, how awesome life would be kung araw-araw ang namumutawi sa ating mga bibig o ang trending online pati na rin offline ay ang kabutihan ng Diyos!
Kaya ngayong araw, I’m inviting you — halina, tayo’y lumapit at umawit ng papuri sa ating dakilang Diyos!
Babaran:
Ikaw ay Dakila
Verse 1
Halina, tayo’y lumapit
Sa Diyos ng lupa at langit
Magdiwang at magsaya
‘Pagkat andito na Siya
Pre-Chorus
Ito’y aming tugon
Sa Iyo Panginoon
Hindi magbabago
Noon at ngayon
Chorus
O, Diyos, Ikaw ay dakila
Ang nais kong ibandila
Sambit ng aking harana
Ikaw ay dakila
Dinggin ang aming papuri
Gintong alay sa ’ming Hari
Ang tanging namumutawi
Ikaw ay dakila
Verse 2
Halina, tayo’y umawit
Bagong awit ng papuri
May galak at pasasalamat
Sa Kanya ay nararapat
Bridge
Ikaw ay dakila
Ikaw ay dakila
Ikaw ay dakila
Ang Diyos ay dakila
Tumugon:
Ano ang namumutawi sa iyong bibig? Ano ang trending sa iyong buhay? Paano mo hinihikayat ang mga tao sa iyong paligid na lumapit at kilalanin ang dakilang Diyos?