Nabighani

Devotional by Dave Yadao

Basahin:

Psalm 27:4 (TLAB)

Isang bagay ang hiningi ko sa Panginoon, na aking hahanapin; na ako'y makatahan sa bahay ng Panginoon, lahat ng mga kaarawan ng aking buhay, upang malasin ang kagandahan ng Panginoon, at mag-usisa sa kaniyang templo.

Pagnilayan:

May mga pagkakataong itinatanong natin sa ating mga sarili kung ano ba ang lugar natin sa mundo. “Ano ba ang calling ko? Ano ang ba ang purpose ng buhay ko?  Ano ang halaga ko?” Pakiramdam natin ay naliligaw tayo sa disyerto, naghahanap ng mga sagot at nananabik sa buhay na may kagalakan. 

Minsan, binabagabag tayo ng mga tanong gaya nito kapag nawawalan tayo ng passion sa ating mga pang araw-araw na buhay lalo na kapag mayroon tayong mga missed opportunities, o kaya disappointments sa ating sarili. At madalas, hinahanap natin ang sagot sa mga internal struggles sa iba. Hinahanap natin ang solusyon sa suliraning panloob sa mga bagay na panlabas. Pero nakakapagod ito diba? 

Bakit hindi nating subukang magpahinga muna at bumabad sa Kanyang presensya? Imbis na tingnan natin ang ating mga sarili, ano kaya kung subukan nating ituon ang ating mga paningin sa ating Banal na Ama? Sa kabila ng ating mga alinlangan, muli tayong humanga, mamangha at mabighani sa Kanya. Dahil ang unang pangangailangan natin bilang mga nilikha ay ang ating Tagapaglikha. At madalas, ang totoong tanong talaga natin ay, “Nasan Ka Ama?”. Ang tunay na panalangin ng ating mga puso ay hindi “Kailangan ko ito” kundi, “Kailangan Kita.”. Ang tunay na hinahanap ng atin sa ating mga buhay ay hindi ang mga “ito” o “iyan” kundi, “Siya”.Sa awit na Nabighani, umaasa kami na muli kang umibig o mapalalim ang iyong pag-ibig sa Panginoon — sa kanyang kabanalan, kaluwalhatian, kabutihan at kagandahan. Balikan mo ang inyong “lihim na tagpuan” ng Panginoon sa panalangin at pagsamba. Dahil sa piling nya, ang disyerto ay nagiging hardin at ang lahat ng kasagutan sa ating mga katanungan at alinlangan ay makikita sa Kanyang mukha. 

Sa Kanyang nakabibighaning mukha.

Babaran:

Nabighani

Verse 1

Sa lihim na tagpuan

Ako ay nabihag

Binuhay mong muli

Ang pusong tigang

Tulad ng disyertong

Sabik sa pagbuhos ng ulan

Ng ulan

Verse 2

Ang wangis mo, O Diyos

Ay walang kaparis

Pag-ibig mong wagas

Ay damang-dama

Di alintana ang agos ng oras

Pag kasama ka

Kasama ka

Chorus

Sa Iyong kabanalan

Kalualhatian

Ako’y  humahanga

Sa Iyong kabutihan

At kagandahan

Ako'y namamangha

At nabighani

Nabighani

Bridge

Sa timog, hilaga

Silangan, kanluran

Sisikat ang sinag

Ng Iyong pangalan

Sa langit, sa lupa

Sa buong kalawakan

Papuri sa ‘Yo

Papuri sa ‘Yo

Tumugon:

Sa iyong personal time with God,  sumulat ka ng love letter sa kanya. Banggitin mo ang mga kabigha-bighaning katangian ng ating Panginoon. Bakit mo mahal ang Panginoon? Sabihin mo ito sa ating Ama.

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Scroll to Top