Devotional by Mari Anjeli Crisanto
Basahin:
Psalm 139:1-18 (ASND)
1 Panginoon, siniyasat nʼyo ako at kilalang-kilala.
2 Nalalaman nʼyo kung ako ay nakaupo o nakatayo.
Kahit na kayo ay nasa malayo, nalalaman nʼyo ang lahat ng aking iniisip.
3 Nakikita nʼyo ako habang akoʼy nagpapahinga o nagtatrabaho.
Ang lahat ng ginagawa ko ay nalalaman ninyo.
4 Panginoon, hindi pa man ako nagsasalita ay alam nʼyo na ang aking sasabihin.
5 Lagi ko kayong kasama, at kinakalinga nʼyo ako sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan.
6 Ang pagkakilala nʼyo sa akin ay tunay na kahanga-hanga; hindi ko kayang unawain.
7 Paano ba ako makakaiwas sa inyong Espiritu?[a] Saan ba ako makakapunta na wala kayo?
8 Kung pupunta ako sa langit, nandoon kayo; kung pupunta ako sa lugar ng mga patay, nandoon din kayo.
9 At kung pumunta man ako sa silangan o tumira sa pinakamalayong lugar sa kanluran,
10 kayo ay naroon din upang akoʼy inyong patnubayan at tulungan.11 Maaaring mapakiusapan ko ang dilim na itago ako, o ang liwanag sa paligid ko na maging gabi;
12 kaya lang, kahit ang kadiliman ay hindi madilim sa inyo, Panginoon, at ang gabi ay parang araw. Dahil para sa inyo, pareho lang ang dilim at ang liwanag.
13 Kilala nʼyo ako, dahil kayo ang lumikha sa akin.
Kayo ang humugis sa akin sa sinapupunan ng aking ina.
14 Pinupuri ko kayo dahil kahanga-hanga ang pagkakalikha nʼyo sa akin.
Nalalaman ko na ang inyong mga gawa ay tunay na kahanga-hanga.
15 Nakita nʼyo ang aking mga buto nang akoʼy lihim na hugisin sa loob ng sinapupunan ng aking ina.
16 Nakita nʼyo na ako, hindi pa man ako isinisilang. Ang itinakdang mga araw na akoʼy mabubuhay ay nakasulat na sa aklat nʼyo bago pa man mangyari.
17 O Dios, hindi ko lubos maintindihan ang mga iniisip nʼyo; itoʼy tunay na napakarami.
18 Kung bibilangin ko ito, mas marami pa kaysa sa buhangin.
Sa aking paggising, akoʼy nasa inyo pa rin.
Pagnilayan:
Maraming mga bagay na feeling natin hindi certain sa ating buhay, pero sigurado tayo na may tawag sa atin ang Panginoon. Hindi pa tayo pinapanganak, nasa isip Niya na tayo. Kilalang-kilala tayo ni Lord at alam Niya ang ating past, present, at future.
Tunay ngang kahanga-hanga ang pagkakilala Niya sa atin. Kung gusto nating malaman kung ano ang purpose natin, God is the One who knows this best. Pwedeng makakuha tayo ng confirmation or affirmation mula sa ibang mga tao pero it’s always good to know from God Himself. At paano natin malalaman kung hindi tayo lalapit sa Kanya? Paano natin malalaman if we do not ask Him at hindi tayo willing to hear from Him?
Sinulat ko ang awiting “Nais Kong Lumipad” noong 2009 while asking God kung ano ang plano Niya para sa aking buhay. Nagtuturo ako noon sa UP Los Baños pero nararamdaman kong tinatawag na ako ni Lord to share the Good News sa ibang bansa, sa iba pang mga lahi. May nagsabi sa akin, baka pwedeng sa Malaysia ako pumunta? Pero tinanong ko rin muna talaga si Lord kung yun nga ang pinapagawa Niya sa akin.
Inalay ko sa Kanya ang aking puso at nangusap Siya. Sa Malaysia Niya nga ako pinapapunta. Nag-apply ako doon as a Master’s student at sinabi ko sa Kanya that I will stay and minister there for a minimum of two years. Pero nagstay ako doon for almost seven years, umuwi na lang din ako sa Pilipinas noong pinabalik na rin ako ni Lord. Nagpapasalamat ako na ako’y nagamit ni Lord para mapakilala si Hesus sa mga kaibigan namin while studying and then eventually working there.
As you read Psalm 139, dalangin ko na mangusap ang Panginoon tungkol sa Kanyang call sa iyong buhay.
Babaran:
Nais Kong Lumipad
Verse 1
Panginoon, Ako'y Iyong nilikha
Kilala mo't pinili, tinawag at tinakda
Inaalay ko ang buong puso ko
Nang ang buhay ko ay magamit mo
Chorus
Nais kong lumipad
Dala ng 'Yong mga yakap
Nais kong marating
Ang dako ng ‘Yong pagtawag
Dinggin Mo ang awit ko
Awit ng anak na nais lumipad para Sayo
Verse 2
Panginoon, mabuti Ka’t dakila
Liwanag sa aking bukas, Gabay ng puso ko at diwa
Sa presensya Mo buhay ko’y nagbabago
Kaya ito O Diyos ang hangarin ko…
Bridge
Kahit saan dalhin
Kahit saan Mo akayin
Kung kasama Ka, O Diyos
Lahat ay aking gagawin
Tumugon:
Anu-ano ang mga bagay na gusto mong gawin para sa Panginoon? Anu-ano naman ang mga bagay na pinapagawa Niya sa iyo? Lumapit lang tayo sa Kanya at, surely, ipapakita Niya kung paano tayo makakalipad kasama Siya, para sa Kanya.